Brakes o preno, kadalasang problema na sinusuri ng PMVIC

SORSOGON CITY – Kinumpirma ni Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC)-Sorsogon Branch Manager Jonathan Peralta na problema sa brakes o preno ang kadalasang nai-encounter nila sa mga behikulong kanilang inispeksyon.

Ayon dito, mapakotse man o  motorsiklo ay kapwa preno ang madalas na nakikita nilang problema sa mga nasabing sasakyan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala bagama’t ganito ang kondisyon tiniyak naman ng opisyal na 99% namang nakapapasa ang lahat ng mga dumadaan sa inspeksyon dahil batay sa direktiba ng Land Transportation Office (LTO), tanging emission test at visual inspection lang naman umano ang kinakailangan na maipasa upang makapagparehistro.

Samantala, nilinaw ng opisyal ang kaibahan ng serbisyong iniaalok ng PMVIC kumpara sa mga emission centers.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon dito, sa mga emission centers kasi ay tanging emission testing lamang ang ginagawa at ang pagsuri sa behikulo ay ginagawa na ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO), samantalang sa kanila ay complete testing. Ibig sabihin, bukod sa emission testing ay kumpleto nilang sinusuri ang sasakyan.