Border control inilatag sa Naga City kaugnay ng  Marcos’ inauguration; PNP Camarines Sur naka full alert status

NAGA CITY- Inilatag ang border control sa Naga City kaugnay ng panunumpa at pag-upo sa pwesto ni President-Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ngayong araw, paliwanag ng  Naga City Police Office ito ay upang makontrol ang mga patungo sa kalakhang Maynila na magsasagawa ng kilos protesta,  pwede kasi na dito na lamang sa lungsod o sa Camarines Sur ayon pa sa NCPO.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PLtCol. Errol Garchitorena, Deputy City Director for Operations na tinitinggan nila ang mga bus na papasok at palabas ng Naga nito pang mga nagdaang araw.

Kinumpirma rin nito na pinayagan ng City Government ang pagkilos sa Plaza sa lungsod , titiyakin ng NCPO ang kaligtasan ng mga lalahok at mga nakapalibot. Inaasahan ang mga progresibong grupo , inirerespeto aniya ito ng PNP.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala naka full alert status ang Camarines Sur Police Provincial Office ayon ay PLt.  Sheralyn Samonte, tagapagsalita ng CSPPO. Sa mensahe nito sa BNFM sinabing nakahanda sila sa ano mang eventualities.