Inanunsyo ng K-pop group na Blackpink ang mga petsa at lugar na kanilang pupuntahan para sa upcoming “Born Pink” world tour.
Sa kanilang social media pages, sinabi ng Blackpink na sisimulan nila ang kanilang world tour sa pamamagitan ng two-day concert sa Seoul sa October 15 at 16, at susundan ng performances sa US at Europe hanggang sa katapusan ng 2022.
Matapos nito, babalik ang grupo sa Asya sa January 2023, kung saan magtatangal sila sa Bangkok, Hong Kong, Riyadh at Abu Dhabi.
Kabilang rin sa mga lungsod na bibisitahin ng grupo sa Marso ay ang Kuala Lumpur, Jakarta, Kaohsiung, at Manila.
Samantala, excited na ang mga Blackpink fans sa Pilipinas, na masilayan ang kanilang mga idolo.
