Maagang Pamasko ang inihandog ng Bureau of Jail Management and Penology para sa libu-libo nilang mga persons deprived of liberty o PDLs.
Simula kasi ngayon ay muli na nilang ibinalik ang pagkakaroon ng face-to-face visitation sa mga PDLs.
Ito ay makaraang suspendihin ang pagbisita ng mga immediate family members dahil sa ilang mga kadahilanan kabilang na ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay BJMP chief jail Dir. Allan Iral – tanging mga immediate family members pa lang muna ang pahihintulutang mag-avail ng contact visitation.
Dahil din sa congestion rate sa ilan nilang mga pasilidad – ia-accommodate lamang ang 25% ng mga PDLs kada araw na papayagang tumanggap ng bisita.
Para naman sa mga visitors na hindi pa fully-vaccinated, nire-require ang mga ito na magpresenta ng mga negatibong RT-PCR test results.
Isasagawa ang pagbisita t’wing Martes, Miyerkules at Huwebe mula ala-una hanggang alas-singko ng hapon; habang sa weekends, bukas ang visitations mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali; at ala-una ng hapon, hanggang alas-singko ng hapon.
