CAMARINES NORTE – Walang plano ang Bureau of Internal Revenue na silipin kung sino-sino ang mga campaign donor’s ng mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections basta i-record lang ang mga natanggap na donasyon.
Ito ang inihayag ni Revenue District Officer Felix Roy sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.
Ayon kay Roy walang magiging problema basta’t compliant ang mga ito sa sa pag withhold ng tax.
Gayunman sinabi ni Roy na pwede pa ring silipin ito ng BIR kung mayroong makitang dahilan para ito ay i-audit.
Ikokonsiderang personal income ang mga hindi nagastos na kontribusyon at donasyon na natanggap ng isang kandidato, batay sa umiiral na Revenue Memorandum Circular noon pang 2013.
Kailangang magbayad ang kandidato ng buwis sa mga hindi nagastos na kontribusyon na natanggap para sa pangangampanya.
