BIR- RDO 64 nagpaliwanag hinggil sa mahabang pila ng job order employees mula sa mga LGU sa kanilang opisina nitong mga nagdaang araw

CAMARINES NORTE – Nagpaliwanag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa mahabang pila ng job order employees (JO) mula sa Provincial Capitol at mga munisipyo sa kanilang opisina nitong mga nagdaang araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Revenue District Officer Felix Roy, na wala sa kanila ang problema kundi nasa mga LGU mismo.

Hindi raw ito dapat nangyari kung hindi nagbigay ng sabay- sabay na deadline ang mga LGU sa compliance ng mga dati at baguhang job order employees.

Paliwanag ni Roy kapag dati nang JO at renewal lang ay hanggang March 31 pa ang mga ito maaaring mag- comply at nagkaroon na lang sana ng schedule.

Ang kailangan lang aniyang bayaran ng mga dati ng JO ay registration fee na maari namang gawin sa mga collector ng BIR sa bawat bayan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ang iba pang mga dokumento tulad ng certificate of employment, update at ID ay pwedeng isumite hanggang March 31 kasama na ang Tax Identification Number (TIN) verification.

Ang kailangan daw talagang mag- comply nang lahat- lahat hanggang noong Enero 31 ay ang mga baguhang JO employees.

“Pag ikaw ay renewal ang deadline po yan dapat is hanggang March 31, ang kailangan mo lang bayaran na deadline is yung annual registration fee na dapat mong bayaran hanggang January 31 para hindi ka ma- penalty and then yung magsa- submit ka ng tinatawag na Annex A, yan yung parang maka- avail ka ng 8 percent, ibig sabihin yung gross income mo ay less than 3 million, so magsa- submit ka ngayon ng annex  sa- sumbit mo sa HR before January 31 para mai-submit din ng HR sa BIR,” ani Roy.

Ang nangyari daw kasi ay binigyan ng kapitolyo at Human Resource Officer ng mga munisipyo ang mga JO ng deadline noong  Enero.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ani Roy, maximum na 200 katao lang kada araw ang pwede nilang maserbisyuhan.

Tinatayang nasa mahigit kumulang limang libo ang mga job order employee ng kapitolyo at mga munisipyo kaya kahit tatlong lane pa umano ang ilaan para sa kanila ay hindi kakayanin kung magsasabay- sabay dahil sa dami nito liban pa sa ibang mga transaksyon sa opisina.

Bukod dito, may problema din umano ang kanilang internet connectivity dahil may kabagalan ito.

“Actually para ma- solve ang problema na yan, kailangan nila makipag- participate din sa BIR, yung huwag silang bigyan ng January 23,  January 25 sa lahat ng papeles, kaya ang sabi ko dun sa isang munisipyo ang gawin niyo lang sir, magbayad sila muna ng registration fee, until January 31, i -submit din nila yung tinatawag na sworn declaration na ito lang yung income nila noong nakaraang taon doon din sa munisipyo.”