Binata, tiklo sa drug buy-bust ops sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang binata sa drug buy-bust operation na ikinasa ng mga otoridad sa Zone 2, Brgy. Agos, bayan ng Polangui, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Robert”, 21 anyos at residente ng Brgy. Sta. Cruz, bayan ng Libon sa kaparehong lalawigan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Isinagawa ng Polangui MPS ang operasyon kasabay ang PIU, Albay PPO at 1st Albay PMFC, kung saan kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang “shabu” na may timbang na humigit-kumulang 0.8 na gramo na nagkakahalagang mahigit PHP5,000.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nang magkaabutan na ng drug items at PHP2,000 buy-bust money, dito na inaresto ang suspek.

Narekober din sa kanya ang pito pang pinaniniwalaang “shabu” na may timbang na 1.5 gramo at nagkakahalagang mahigit PHP10,000.

Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.