Binata sa Midsayap, patay nang magkabit ng Signage!

Namatay ang isang binata nang magkabit ito ng panaflex signage sa public market ng Midsayap, North Cotabato.

Ayon sa impormasyon mula sa otoridad, ikinuwento sa kanila ng mga nakakita sa insidente na sadyang maalinsangan ang panahon nang ikabit ni Rick-Rick ang signage kasama ang kanyang mga katrabaho.

Sa isang iglap, nahulog na lamang mula sa inakyat na hagdan ang naturang biktima at nawalan ng malay.

Sinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit tuluyan itong binawian ang buhay.

Nabatid ng attending physician na nakararamdam na pala ng pagkahilo at paninikip ng dibdib ang biktima habang kinakabit ang signage.

Kinumpirma ng health professional na namatay ang biktima dahil sa Cardiac Arrest.

Dahil sa mapait na sinapit ng binata, pinaglalamayan siya ngayon ng kanyang kaanak, kaibigan at kakilala.

Roy Holgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *