Kulong ang 26 anyos na binata nang mahulihan umano ito ng ipinagbabawal na gamot bandang alas-onse ng umaga nitong Linggo, August 6, 2023.
Ang suspek ay si Paul Arvin De Rama Reynoso alyas Boboy na tinukoy na newly identified drug pusher.
Ayon sa Police Station 1, inaresto ng City Drug Enforcement Unit si Paul sa Macawili Rd. ,Bgy. Bancao-bancao, dito sa lungsod matapos na makabili sa kanya ang operatiba ng 1 pakete na may suspected shabu sa halagang Php 1500.00.
Samantala, ang binata ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.