Binata, arestado matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa Tabaco City

LEGAZPI CITY – Inaresto ng mga otoridad ang isang binata matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa P-1, Brgy. San Carlos, Tabaco City, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Boy”, 26 anyos na residente ng Purok Santol, Brgy. Nagas, Tiwi ng parehong lalawigan.

Ayon sa report, hapon nang ikasa ng Tabaco CPS, kasabay ang iba pang unit at sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) 5 ang nasabing operasyon laban sa suspek.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Kumagat siya sa pain nang pagbentahan nito ang isang poseur buyer ng isang small heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may 0.79g na timbang sa halagang mahigit PHP5,000.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Nang magkaabutan na ng item at perang aabot sa PHP3,000 bilang buy-bust money na ginamit bilang buy bust money ay dito na hinuli ng mga kapulisan ang suspek.

Pansamantalang dinala sa nabanggit na himpilan ang suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.