Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bayan ng Daet pumalo na sa 905

CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 905 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Daet, Camarines Norte

Sa ipinalabas na report ng Daet Emergency Operations Center, 195 ang aktibong kaso kung saan 111 ang nagpositibo sa RT-PCR habang 84 ang nagpositibo sa Rapid antigen Test

Nasa 746 naman ang bilang ng mga nakarekober na sa sakit habang 48 ang mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19

Nasa 394 naman ang under monitoring ng EOC.

Sa summary per COVID-19  cases sa mga barangay nangunguna sa may pinakamaraming aktibong kaso ang mga Brgy ng Camambugan na may 16, Magang na may 12 at Alawihao na may 11

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Tanging ang Brgy IV, V,  Awitan at  Bibirao ang walang aktibong kaso ng COVID-19 as of September 29, 2021

Una ng ipinaliwanag ni Daet Emergency Operations Center Planning Section Head Santiago Mella Jr. na malaki ang maitutulong ng Antigen testing sa pagsasagawa ng monitoring upang agad na malaman ang resulta sa mga nagiging close contact ng nagpopositibo sa COVID-19 bago pa ang isang indibidwal ay makalabas at makapanghawa.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Anya, isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na lomolobo ang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet ay dahil sa isinasama na nila ang resulta ng Rapid Antigen Test sa COVID daily tally at isang magandang indikasyon naman aniya ito na nagtatagumpay ang kanilang tanggapan sa pagtukoy sa epidemiological link ng virus.

Kaugnay nito, muling nakiusap ang naturang opisyal sa publiko  na sundin ang mga umiiral na health protocols upang makaiwas sa sakit.

(photo courtesy of Daet Emergency operations Center FB page)