Bilang ng naabusong kababaihan sa Naga tumataas

NAGA CITY – Tumataas ang bilang ng mga biktima ng Violence Against Women and Their Children sa Naga City, basehan nito ay apat na panibagong reklamong hawak ngayong linggo ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) .

Sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga kay Eden San Andres, social worker ng CSWDO na siyang humahawak sa VAWC, sinabi nitong karamihan na sangkot sa isyung ito ay magkaka live-in lamang subalit may mga anak.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Ang reklamo ay ang hindi pagsusustento ng lalaki, bukod pa ito sa isyu ng pananakit pisikal sa babae at sa mga bata o anak nila.

Read More:  Authorities seize ₱105.9M in alleged smuggled cigarettes in Zamboanga del Sur

Batay sa paliwanag ni San Andres, bagamat hindi kasal ang dalawa, may obligasyon ang lalaking sustentuhan ang mga anak , na hindi ginagawa kaya nagrereklamo ang mga babae na siyang nagiging ugat ng awayan at nauuwi sa sakitan o bugbugan.

Kung hindi naayos ang problema, dinadala na nila sa korte ang isyu.