Bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa Camarines Norte umabot na sa 4, 266 makaraang makapagtala ng 62 bagong kaso noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Umabot na ngayon sa 4, 266 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay ito sa datos ng Department of Health mula March 2020 hanggang August 20, 2022.

Ito ay makaraang makapagtala ng 62 bagong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan noong nakaraang linggo.

Nagmula ang mga ito sa Daet na may 16, Labo 11, Jose Panganiban 9, Talisay 6, Mercedes 4 at tig tatlo sa Basud, Paracale, San Vicente at Vinzons.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Dalawa naman ang naitala sa Sta Elena na noong nakalipas na dalawang linggo ay walang aktibong kaso.

May tig isa naman sa Capalonga at San Lorenzo Ruiz.

Umaabot naman sa kabuuang 3, 866 ang recoveries makaraang makapagtala ng 24 na bagong gumaling sa sakit.

Umakyat naman sa 254 ang bilang ng mga namatay makaraang makapagtala ng  isang kaso ng pagkasawi noong nakaraang linggo.

Sa kabila naman ng pagtaas ng mga kaso nananatiling nasa low risk ang healthcare utilization rate.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Batay sa datos hanggang nitong Agosto 21, 2022 nakapaglaan ang lalawigan ng 125 beds for Covid kung saan 22 ang nagamit habang wala namang naitalang paggamit sa ICU beds at mechanical ventilators.

Nasa 352, 741 naman ang nabakunahan kontra COVID- 19  sa lalawigan o 81. 21 percent sa target population na 434, 382.

Nasa 318, 909 ang fully vaccinated o 73. 42 percent kung saan pangalawa ang Camarines Norte sa may pinakamababang vaccination coverage sa rehiyon.