Bilang ng mga seniors na nabakunahan kontra covid-19 sa San Marcelino umabot na sa mahigit isang libo

Umabot na sa isang libo mahigit ang mga senior citizen ang nabakunahan na kontra corona virus disease sa San Marcelino, Zambales.

Ito ay mga seniors na kusang loob na nagpaturok para maproteksyunan ang mga sarili laban sa virus.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na mahigit sa dalawang libo na ang datus ng mga nababakunahan sa san marcelino at halos karamihan ay mga senior citizen.

Ayon sa Municipal Health Office hindi katulad ng ibang mga bayan sa Zambales ay hindi nahirapan ang lokal na pamahalaan na kumbinsihin ang mga ito na magpabakuna para matiyak na ligtas ang mga ito sa banta ng corona virus.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Photo Courtesy: San Marcelino Public Information Office

May be a cartoon of 1 person and text that says 'Weak Immune System IMMUNITY ASCORBIC ACID Calcium Ascorbate) GUARD-C Strong Immune System SHOP NOW! Lazada'