Bilang ng mga nasayang na bakuna laban sa COVID-19 sa bansa, umabot sa 8.42% ayon sa DOH

Inumpisahan na ngayong araw ang pagdinig ng Senate Commitee on Health and Demography para alamin ang kahandaan ng Gobyerno sa mga banta sa kalusugan ng mga Pilipino kabilang na ang COVID-19 pandemic, dengue, at ang monkeypox.

Ipinunto ng chairman ng Kumite na si Senador Bong Go na ang nararanasan nating pandemya dulot ng COVID-19 ay dapat nang magsilbi bilang ‘eye-opener’ sa Gobyerno para matiyak na mayroon itong mga nakalatag na hakbang para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa bansa.

Giit nito, kailangang matutukan at mag-invest ng pamahalaan sa Kalusugan.

Ibinahagi rin nito ang panibagong napaulat na ‘Langya virus’ sa China dahil hindi pa nga raw tapos ang COVID-19, at ang banta ng monkeypox ay mayroon na namang bagong umuusbong na sakit.

Dahil dito, inatasan nito ang gobyerno na mas palakasin pa ang vaccination efforts lalo na ang pagtuturok ng booster shots.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Samantala, aalamin din sa pagdinig ang isyu ng ilang milyong doses ng mga bakuna na nag-expire at nasayang matapos hindi maiturok sa publiko.

Inilahad ni Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire ang mga procurement plans ng gobyerno para sa COVID-19 vaccines.
#

Bilang ng mga nasayang na bakuna laban sa COVID-19 sa bansa, umabot sa 8.42% ayon sa DOH

Umaabot na sa 8.42 percent ang bilang ng naging vaccine wastage sa bansa o antas ng mga nasayang na bakuna laban sa covid-19.

Ayon kay Vergeire, mas mababa ang naturang bilang sa 10 percent na ‘indicative wastage rate’ na ginagamit ng World Health Organization (WHO).

Karaniwan aniya sa mga rason ng pagkakasayang ng bakuna ay ang expiration, operations-related issues kagaya ng mga bakuna na nabubuksan pero hindi naituturok, spillage, pagkakasira ng mga vials, backflow, leftover underdose at iba pa.

Read More:  NBI says Senate shooting suspect was only volunteer

Bukod dito, mayroon din aniyang mga nasayang na bakuna dahil sa mga kalamidad kagaya noong tumama ang Bagyong Odette, mga sunog at lindol.

Mayroon din aniyang mga bakuna na hindi nagamit matapos mapanis dahil sa isyu pagdating sa storage o sa temperatura ng pag-iimbakan.

DOH, muling nilinaw na ‘di pa kailangang magsara ng mga border

Sinabi ni Vergeire na inaaaral na nila katuwang ang Bureau of Quarantine ang iba pang mga paraan para maiwasan ang pagpasok ng monkeypox sa bansa.

Kabilang na rito ang pagre-require na tanggalin ang outerwear ng isang traveler kagaya ng mga jacket para makita kung mayroong mga lesions ang isang indibidwal na papasok ng bansa.

Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na hindi pa rin nila inirerekumenda ang pagsasara ng mga borders ng bansa.

Bago ito ay una nang sinabi ng DOH na baka sa 2023 pa magkaroon ng availability ng bakuna ng monkeypox sa Pilipinas.
#