CAMARINES NORTE- Pumapalo na sa 93 ang bilang ng mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19 sa Camarines Norte.
Ito’y matapos makapagtala muli ng isa pang bagong kaso kahapon ang DOH CHD BICOL
Bukod dito, 43 bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan na nagmula sa mga bayan ng Daet na may 10 bagong kaso, 7 mula sa Jose Panganiban, 6 sa Labo.
May tig-li-limang bagong kaso naman ang Basud, Paracale at Vinzons, tig-2 kaso naman ang nagmula sa San Lorenzo Ruiz at San Vicente habang may 1 kaso ang naitala sa Talisay
Bunsod nito , pumalo na sa 812 ang aktibong kaso ng sakit habang nananatili naman 1,546 ang total recoveries
Sa ngayon ang Camarines Norte ay mayroon ng 2,451 total cases ng COVID-19 buhat ng maranasan ang pandemya
