Umakyat na sa 303 ang bilang ng mga narekober na bangkay na hinihinalang mga followers ng isang Christian cult sa Kenya
Ayon sa mga awtoridad, nadagdagan ang bilang matapos na karagdagang 19 na bangkay pa ang natagpuan sa isang kagubatan malapit sa Indian Ocean.

Nauna nang nailigtas ng mga awtoridad ang 15 miyembro ng grupo na sinasabing mga worshipers ng Good News International Church, apat sa kanila ang namatay bago nakarating sa ospital.
Ang lider ng simbahan na si Paul Mackenzie na kasalukuyang nakakalaya matapos magpiyansa, ang siyang nag-utos sa mga tagasunod nito na gutumin ang kanilang sarili maging ang kanilang mga anak hanggang sa ito ang kanilang ikamatay para makaakyat sa langit.//CA