Bilang ng mga namatay sa Bicol region dahil sa sama ng panahon, pumalo na sa 15 – OCD Bicol

Umabot na sa 15 ang bilang ng mga nasawi sa Bicol Region dahil sa sama ng panahon ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) Bicol.

Inihayag ni OCD Bicol spokesperson Gremil Naz sa Brigada News FM Legazpi na nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay matapos marekober ang katawan ng nawawalang indibidwal sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Ayon sa kanya, nagpapatuloy pa rin ang search and retrieval operation para sa dalawang mangingisda sa Pandan, Catanduanes na nawala matapos maglayag noong Enero 24 sa bahagi ng Pacific Ocean.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Tinatayang nasa mahigit PHP300M ang pinsala sa sektor ng agrikultura, irigasyon, imprastraktura at educational buildings sa nasabing rehiyon.

Batay sa datos, pinakanaapektuhan ay ang lalawigan ng Camarines Sur, habang nakapagtala naman ang tanggapan ng 260 na mga pagbaha, 38 landsides at 40 mga kabayahan na nasira sa buong rehiyon.