NAGA CITY –Nabawasan ang mga sanggol at mga bata na nagkakasakit sa Naga City dahil kompleto ng nabakunahan sa isinagawang vaccination activities ng City Health Office.
Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Barangay Kagawad Amelia Espinocilla, Kagawad on Health ng Concepcion Grande at sinabi niyang natutuwa sila ngayon dahil sa malulusog ang mga bata sa kanilang lugar.
Hindi nito nabanggit ang datus pero malaking tulong aniya ang pagpapabakuna na sinasabayan ng tamang nutrisyon kasama na ang kanilang mga nanay.
Ang mga may sipon, ubo at lagnat ay nalimitahan at kung mayroon man madaling nawawala dahil sa may proteksyon na.
Hangad nila na sana ay tuloy-tuloy na ang magandang health status ng mga bata lalo na ngayong magkakaroon ng El Niño na pwedeng makaapekto sa kalusugan lalo na kung mahina ang resistensya.