Bilang ng mga naghain ng COCs para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections- umabot na ng mahigit isang milyon

Umabot na sa 1-million-mark ang bilang ng mga nag-file ng certificate of candicacies (COCs) sa buong bansa para sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa huling tala ng Commission on Elections (COMELEC) naitala ang kabuoang 1,181,404 aspirants mula sa 82 Lalawigan sa bansa para sa 672,016 na mga puwestong mababakante.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

85,796 ang maga-agaw-agaw para sa 42,001 seats sa pagka-kapitan; habang 638,209 naman ang maglalaban-laban para sa 294,007 na seats para sa mga barangay councilors.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Para sa SK, mayroong 75,434 aspirants sa pagka-chairperson; habang 381,965 naman sa mga SK members.