Bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng bagyo at malawakang pagbaha sa bansa, pumalo na sa 3.3 milyon

Pumalo na sa 3.3 milyon ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng bagyo at malawakang pagbaha mula sa 16 na rehiyon sa bansa.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), katumbas ito ng 905,086 families.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Pinakamaraming residente na naapektuhan nay mula sa Region 3 o Central Luzon, na umabot sa 2.1 milyong indibidwal.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Sa kasalukuyan, nasa 252,166 indibidwal o 64,520 pamilya ang nananatili sa 1,236 evacuation centers.

Umabot na ng 114 million ang tulong na naipamahagi ng pamahalaan para sa mga apektadong pamilya.