Bilang ng mga apektado ng LPA sa Mindanao, umakyat na sa halos 1.2M

Umakyat na sa halos 1.2M na mga indibidwal ang apektado ngayon ng Northeast Monsoon at Trough ng LPA sa ilang rehiyon sa Mindanao.

Sa ulat ng NDRRMC , pinakamarami sa mga apektado ay mula sa Region 11 sumunod ang CARAGA at Region 10.

Read More:  Philippines ranks No. 1 again in global disaster risk

Umakyat na rin ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa 20 habang 11 ang injured.

Samantala, mahigit 100 kalsada at 16 na mga tulay mula sa Regions 10, 11 at CARAGA ang nananatiling hindi passable sa mga sasakyan.

Read More:  CICC lifts Discord ban after platform complies with government requirements

Umabot na sa 146 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente.