Magbabalangkas na ang gobyerno ng mga programa at polisiya na naglalayong tugunan ang teen pregnancies sa bansa, sa gitna ng naitalang pagtaas ng bilang ng mga kababaihan na nabubuntis sa murang edad.

Batay sa datos ng Commission on Population and Development (CPD), tumaas sa 2,300 ang hospital births sa mga batang babae edad 10 hanggang 14.
Higit na mas mataas ito sa 2,000 noong simula ng pandemya.
Ayon kay CPD Deputy Executive Director Lolito R. Tacardon, habang ang datos ay mababa kumpara sa Philippine population, dapat pa rin aniyang matugunan agad-agad ang naturang issue.
Nanindigan ito na kailangan ang multi-agency approach sa pagresolba ng dilemma kung saan nagiging maaga ang pagkakaroon ng anak ng mga batang babae.