Bilang ng enrollees sa SSU ngayong semester tumaas sa kabila ng nagpapatuloy ng online classes

SORSOGON CITY- Inihayag ng Sorsogon State University SSU Registrar’s Office na tumaas ang bilang ng officially enrolled students sa iba’t- ibang   kurso ng unibersidad ngayong semester sa kabila ng pagpapatuloy ng online classes o alternative mode of learning.

Sa panayam ng Brigada News Fm kay SSU Registrar Maria Lourdes Barozzo umakyat mahigit 11, 500 na ang mga estudyanteng nag- enroll sa unibersidad ngayong school year.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Paliwanag ni Barrozo, isa sa mga dahilan kaya tumaas ang naitalang bilang ay dahil madami rin ang slot na kanilang binuksan para sa mga estudyante partikular na umano sa kursong Information Technlogy o I.T na siyang may pinakamataas na bilang ng enrollees sa kasalukuyan.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Aniya naitala naman ang pinakamababang bilang ng enrollees sa kursong may kaugnayan sa Fisheries.

Samantala, kinumpirma naman ng opisyal na sa ngayon ay wala pang bagong kurso na binuksan ang kanilang unibersidad.