Bilang ng enrollees ngayong SY, tumaas

SORSOGON CITY – Nalampasan ng bilang ng enrollees sa kasalukuyang school year ang record noong nakalipas na academic year.

Kinumpirma ito ni Schools Division Superintendent Toots Doncillo. Aniya, tumaas ang bilang ng mga enrollees sa Kinder Garten hanggang Grade 12 ngayong school year.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon pa dito, mula sa dating bilang na mahigit 177K enrollees noong nakaraang taon, ngayong taon ay umabot na ito sa mahigit 190K. Nagkaroon ng halos 10K karagdagang bilang ng mga nagpa-enroll.

Iniuugnay ito ng opisyal sa mga transferees dahil sa nagsiuwian na mga pamilya dahil sa pandemya.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sinabi pa ng opisyal na ang enrollment para sa SY 2021-2022 ay 100% nang nakumpleto ng Department of Education (DepEd)-Sorsogon.

Nananatili namang extended ang enrollment period hanggang sa katapusan ng Setyembre.