4 na kaso ng COVID-19, naitala sa Albay

LEGAZPI CITY – Bumaba na sa apat ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Albay ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.

Sa datos ng tanggapan, dalawa ang naitala sa bayan ng Daraga, habang tig-iisa namna sa lunsod ng Legazpi at bayan ng Pio Duran.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Wala namang naiulat na bagong gumaling at pagkasawi sa lalawigan.

Sa kabuuan, nakapagtala ang DOH Bicol ng 50 mga kaso o katumbas ng 3.15%, kung saan 16 ang naitala sa lalawigan ng Camarines Sur; 18 sa Catanduanes; at parehong 6 sa Masbate at Sorsogon.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Patuloy pa rin ang paalala ng ahensya na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols at magpabakuna upang maiwasan na ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19.