Bilang ng contact tracer sa Sorsogon, 100 na

SORSOGON CITY – Umaabot na sa 100 contract tracers ang naglilingkod sa mga Local Government Units (LGU) para matunton ang mga indibidwal na nagkaroon ng contact sa COVID-19 positive patient.

Ito ang masayang inihayag ng pinuno ng DILG-Sorsogon na si Julius Cal Ortiz. Aniya, mula sa dating 90 contact tracers, nadagdagan ito ng 10 at nai-deploy na sa mga lokalidad.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon sa opisyal, makatutulong ang karagdagang bilang para mapalakas ang Covid-19 response ng lalawigan at kakayahan sa contact tracing.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Maiiwasan din umano ang pagkakaroon ng mga backlogs na pinoproblema ngayon ng lalawigan dahil sa taas ng kasong naitatala bawat araw na hindi bumababa sa 50 indibidwal.

PHOTO: Google