Bilang ng augmentation force ng medical personnel at mga ambulansya para sa Peñafracia, pinaplantsa na

NAGA CITY- Pinaplantsa na ng medical cluster ang magiging augmentation force ng mga medical personnel sa Naga City para nalalapit nang Peñafrancia Festival 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRM) Officer Erning Elcamil, hinihinakayat din nila ang mga munisipyo na magpadala ng dagdag na puwersa tulad noong nagdaang taon. Mayroon ding dagdag na 13 ambulansya sa lungsod.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Mahalaga aniya na mas maraming magbibigay ng paunang lunas tulad nong 2022 na sa Traslacion pa lamang 850 na ang kanilang narespondehan, maliban pa ito sa iba pang mga aktibidad.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Samantala aminado si Elcamil na  hirap sila sa emergency response kung nagkakaroon ng signal jamming.