Biktima ng bus bombing sa Koronadal, nagpasalamat sa ‘Brigadahan’

KORONADAL CITY — PERSONAL na nagpasalamat sa Brigada News FM Koronadal at sa mga tagapakinig na tumulong sa kanyang pagpapagamot ang isang biktima ng pagsabog ng pinaniniwalaang improvised explosive device o IED sa likurang bahagi ng bus ng Yellow Bus Lines noong Mayo 26 dito sa lungsod.

Ito’y matapos nakalabas na sa Southern Philippines Medical Center o SPMC-Davao ang biktima na si Wilfredo Pino Sr, tricycle driver at residente ng Barangay Magsaysay, Koronadal na tinamaan ng shrapnel sa nasabing pamomomba.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon kay Pino, hindi umano ito na operahan dahil posibleng maapektuhan pa ang kanyang mata, ilong at baba.

Paliwanag din umano ng kanyang doktor na posibleng kusa lamang na lalabas ang nasabing shrapnel na bumaon sa kanyang panga.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa kabila nito kailangan naman nitong sumailalim sa buwanang check-up sa SPMC Davao upang matingnan ang kalagayan nito.

Matatandaan na sa pamamagitan ng ‘Brigadahan’ ng Brigada News FM Koronadal, nakatanggap si Pino ng P80,000 na cash donations mula sa mga taga-pakinig na nag-ambag-ambag para sa pagpapagamot nito.