Big-time oil price hike, namumuro sa susunod na linggo

Higit P2 ang idaragdag sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry sources – matapos ang apat na araw na trading ay mayroong posibleng itaas na P2.35 hanggang P2.65 sa kada litro ng diesel.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Sa gasolina naman, mayroong posibleng idagdag mula P2.00 hanggang P2.30; habang P2.45 hanggang P2.75 ang posibleng umento sa kada litro ng kerosene.

Sa kabila niyan, mayroon pang isang nalalabing trading day kaya posible pang mabawasan ang idaragdag sa oil prices sa araw ng Martes.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Bunsod pa rin ito ng lumalala pang conflict sa Middle East partikular ang tensyon sa Iran at Israel.

Naka-apekto rin sa delivery services ang Bagyong Milton sa Amerika.

Ito na ang ika-apat na linggong sunud-sunod na taas-presyo sa diesel, at ikatlo naman sa kerosene.