Big-time child trafficker na nambibiktima ng daan-daang batang Pilipino, na-aresto sa Dubai

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagka-aresto sa isang kilalang child trafficker sa United Arab Emirates (UAE) na nambibiktima ng daan-daang batang Pilipino.

Inaasahang ibabalik ang suspek na si Teddy Jay Mojeca Mejia sa Pilipinas upang harapin ang mga kasong kinakaharap.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dalawampu’t dalawa ang nailigtas sa magkakahiwalay na rescue operations sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya, Quirino, at sa mga lungsod ng Taguig, Bacoor, Marilao, La Union, at Baguio.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, resulta ito ng pakikipagtulungan ng pamahalaan ng Pilipinas at UAE.

Nagbabala ang kalihim na walang ligtas na lugar para sa mga nasa likod ng child trafficking.