Bicol region nasa ika-apat na pwesto na pinakamababa sa buong rehiyon sa bansa ng pagbabakuna laban sa COVID 19

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Regional Director Ernie Vera ng Department of Health (DOH) Bicol, isa ang Bicol Region ngayon na poor performer sa pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Vera, nasa ika-apat na pwesto ang Region 5 na pinakamababa ng vaccination roll out sa buong rehiyon sa bansa. Aniya, ipinagtataka lamang nito na dati rati ay ang Bicol ang nangunguna sa vaccination campaign tulad ng misseles, rubela, polio at iba.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Dahil dito posibleng magkaroon muli surge o pagtaas ng mga nagpopositibo sa nasabing sakit dahil sa marami na ang ayaw ng magpabakuna lalong lalo na ang mga senior citizens at ang boostershot.

Sa oras na dumami ang magpositibo sa naturang sakit ito ay maaaring hindi kayanin ng mga health careworkers o ospital ang pag-accomodate ng mga pasyente na may covid positive dahil na rin sa hindi nagpapabakuna na ang mga ito.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Pinakamaraming naitatalang kaso ng covid 19 sa rehiyon ay mga senior citizen.

Sinabi ng opisyal, malaking hamon at problema ang kinakaharap ng ahensya dahil sa ayaw nang magpabakuna ang mga senior citizens dahil sa rason na katandaan o may edad na at madali na rin umanong mamatay ang mga ito kung saan mali ang kapaliwanagan ng mga ito.