BNFM BICOL—Umabot lamang sa 27 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol kahapon batay sa ulat ng Department of Health.
Sa naturang bilang, 20 sa mga ito ang mula sa probinsya ng Camarines Sur kung saan apat ang naidagdag sa Naga City; tatlo sa Libmanan; dalawa sa Canaman, Nabua, Pili at Tigaon at tag-iisa ang mga bayan ng Bato, Buhi, Del Gallego, Iriga City at Ocampo.
Dalawang kaso naman ang naidagdag sa Albay mula sa bayan ng Guinobatan at Malinao. Dalawa rin sa Sorsogon na pawang mula sa Sorsogon City habang isa naman sa Camarines Norte mula sa bayan ng Talisay.
Zero new case naman ang lalawigan ng Catanduanes at Masbate ngunit may dalawang kaso ng sakit mula sa labas ng Bicol ang dito nairehistro sa rehiyon.
Bunsod nito, pumalo na sa 58,659 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 7,627 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.
Samantala, nasa 17 naman ang bilang ng mga bagong gumaling kung kaya’t 48,925 na ang recoveries habang nadagdagan naman ng 12 ang mga nasawi na sa ngayon ay pumapalo na sa 2,107.###