BICOL—Pumalo na sa 34,970 (77.50%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng mataas na bilang ng mga gumaling kahapon.
Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), 292 ang mga bagong recoveries kung saan 96 nito ay mula sa Camarines Sur, 74 sa Masbate, 49 sa Naga City, 36 sa Catanduanes, 21 sa Camarines Norte at 16 sa Sorsogon.
Samantala, pumalo na rin sa 45,122 ang total cumulative cases ng sakit kung saan 8661 (19.19%) nito ang aktibong kaso. 91 ang mga bagong nadagdag kahapon kung saan 49 nito ay nagmula sa Albay.
Tigsiyam ang Legazpi at Ligao City, walo sa Camalig at Daraga, apat sa Rapu-Rapu, tigdadalawa ang Bacacay, Tiwi at lungsod ng Tabaco at tig-iisa ang Guinobatan, Malilipot, Pio Duran, Polangui at Sto Domingo.
33 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan pito nito ay mula sa lungsod ng Naga, lima sa lungsod ng Iriga, apat sa Libmanan, tigtatlo ang Ocampo at San Fernando, tigdadalawa ang Lagonoy, Milaor at Pili at tig-iisa ang Calabanga, Goa, Lupi, Magarao at Tinambac.
Walo ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan tatlo nito ay mula sa Irosin, dalawa sa Sorsogon City at tig-iisa ang Castilla, Gubat at Matnog. Isang kaso naman ang nadagdag sa Masbate n amula sa Masbate City habang zero new case ang Camarines Norte at Catanduanes.
Sumampa na rin sa 1,491 ang death toll matapos magtala ng tatlong panibagong nasawi na pawang mula sa lalawigan ng Sorsogon.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm