LEGAZPI CITY – Itinaas na ng Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa blue alert status ang buong rehiyon dahil sa banta ng bagyong Aghon.
Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Bicol Regional Director Claudio Yucot, maaaring dumikit ang bagyo sa rehiyon, at posibleng dadaanan nito ang lalawigan ng Catanduanes.
Sinabi pa ni Yucot, pinaghahanda na ang PDRRMC, MDRRMC at CDRRMC ng bawat lokal na pamahalaan upang tiyakin na operational 24/7 ang mga Emergency Operational Centers.
Photo: Philippine Weather System