NAGA CITY- Dalawang araw bago ang halalan inooserbahan ng Bicol Central Station ang bilang ng mga umuuwi para sa eleksyon, nitong mga nagdaang araw sinabi ng pamunuan ng terminal na normal pa ang sitwasyon.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Teminal Manager Nonoy Reforsado sinabi nitong paunti-unti ang pagdating mga mga pauwi ng Naga , Camarines Sur at ibang mga karatig lalawigan.
Ang pinaghahandaan aniya nila ang pagbabalik ng mga ito sa National Capital Region, kung magsabay-sabay kasi matapos ang halalan , kinakailangan ng extra busses. Inabisuhan niya na ang mga bus companies at handang-handa ring tumugon maliban sa regular trips.