306K  tinatayang dumalo sa One People’s March at Grand Rally sa Naga City

NAGA CITY- 306K ang tinatayang dumalo sa grand rally at one people’s march sa Naga City kagabi.  Ang mga ito ay mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Ito ang kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Naga mula sa mga organizers ng pagtitipon bilang suporta sa Leni- Kiko tandem at senatorial slate. Mababatid na una nang sinabi na nasa 300K ang inaasahang makikiisa mula sa Naga City, Camarines Sur at karatig lalawigan. Dumayo ang ilang mga taga Camarines Norte , may ilang mula pa sa Masbate. Bago ito nagkaroon rin ng grand rally sa probinsya ng Sorsogon umaga nitong Biyernes habang hapon sa Albay at gabi sa Naga.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon
Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon kay Presidentiable, Vice President Leni Robredo mabigat ang laban niyang ito dahil katunggali ang kilalang mga personalidad at dati nang nakaugat ang pangalan sa politika ngunit malakas parin ang kaniyang loob.