Bibe hair clip, trending!

Nakabili na ba ang lahat?

Usong uso ngayon ang paglalagay ng bibe sa ulo, na may iba’t ibang klase at design.

Bukod sa Gen Z, patok na patok rin ito sa ibang henerasyon na young at heart.

Sumikat ang trend na ito sa China noong 2015, ngunit imbis na bibe, mga bean sprout ang tumutubo sa kanilang mga ulo.

Una namang sumikat sa Pilipinas ang bibe hair clip sa Baguio, hanggang sa puamtok na sa kung saan-saan.