BI, sisiguruhin ang ‘fast entry’ ng mga foreign dignitaries para sa inagurasyon ni Marcos

Sisiguruhin ng Bureau of Immigration (BI) ang ‘fast entry’ ng mga foreign dignitaries para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente nilatag na nila ang mekanismo at proseso upang mabigyan ng prayoridad ang naturang mga foreign visitors kung saan magsasagawa ng immigration formalities pagdating nila sa Pilipinas.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Aniya, inatasan na nila ang mga immigration officers na palawigin ang port courtesies para sa mga nasabing delegates.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Samantala, nakatakdang manumpa si Marcos bilang susunod na pangulo ng bansa sa ika-30 ng Hunyo sa National Museum. (ARGIE ERGINA)