BI, pabibilisin ang pag-papaalis sa mga dayuhang POGO workers

Bibigyang prayoridad ng Bureau of Immigration ang exit application para sa mga dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators o Internet Gaming Licensees para mapabilis ang kanilang pag-alis sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ng BI na bumuo na sila ng team upang personal na pumunta sa POGO at IGL companies at ipatupad ang on-the-spot downgrading ng kanilang mga visa.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon kay BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado, sa darating na Oktubre 15, 2024 ang deadline para sa mga foreign POGO workers para sa kanilang boluntaryong pag-aplay sa visa downgrade.

Ang mga hindi makakasunod ay kailangang umalis sa loob ng 59 na araw o maharap sa deportasyon bago magtapos ang taon.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Sa pinakahuling ulat ng BI, kanila nang na-downgrade ang nasa halos 6,000 visa ng mga foreign POGO worker, at mula dito, mahigit 3,200 na ang nakaalis na ng Pilipinas.

Nagbabala naman si Viado na sa pagsapit ng 2025, ang mga tumangging umalis pa rin ng bansa ay maaaring arestuhin, ideport, at pagbawalan sa muling pagpasok sa Pilipinas.