BI, nagpaalala sa mga foreigners kaugnay sa visa processing scammers

Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga foreign national hinggil sa mga scammers na nag-aalok ng visa processing sa mga foreigners na gustong pumasok sa Pilipinas.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, nagpapanggap ang naturang mga scammers bilang opisyal ng BI, at nagpapabayad ng P20, 000.

Aniya, unang na-monitor ang nasabing scammers sa isang Australian social media group chat.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Paalala ni Sandoval sa mga foreign nationals, maging maingat lalo na sa mga transactions na gumagamit ng kanilang personal bank accounts.