BFP Sorsogon, hihigpitan ang pagbibigay ng clearance sa fire cracker vendors

Maagang nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon Provincial Office sa lahat ng mga negosyanteng balak magbenta ng mga paputok ngayong pasko at Bagong Taon.

Sa panayam ng Brigada News kay BFP Sorsogon Deputy Provincial Fire Marshall Senior Fire Inspector Sarena Socorro Toralba, sinabi nito na maghihigpit sila sa pag-iisyu ng clearance at kanilang titiyakin na tanging mga kwalipikadong magbenta nito ang kanilang mabibigyan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kanila din umanong sisiguraduhin na mga fire crackers o paputok lamang na kabilang sa listahan na ilalabas ng BFP Central Office ang maibebenta sa merkado. Nagbabala naman ang BFP sa mga negosyante at tindahang pilit magbebenta ng paputok nang walang kaukulang permit dahil tiyak na may kakaharaping penalidad ang mga ito sa oras na sila’y madakip na magbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique