BFP Nabua, pinalipat ang ilang mga firecraker vendors

CAMARINES SUR- Unang araw palang ng pag-iinspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Nabua ngunit apat na mga firecracker vendors na sa nasabing bayan ang nawarningan matapos ang isinagawang inspeksyon sa mga manininda ng paputok na nagsimula magbenta sa bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga ki Finsp. Joeffry Baracena, Acting Municipal Fire Marshal ng BFP Nabua, nawarningan ang apat na mga manininda dahil sa malapit sila sa danger zone o restricted area na itinalaga ng ahensya. Paliwanag ni Baracena, ang pinakamainam na lokasyon na dapat paglagyan ng mga paputok ay may layong nasa 91.5 meters mula sa danger zone.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026
Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Isa ang bayan ng Nabua sa mga manufacturer ng paputok sa probinsya kung kaya’t kumpara sa ibang mga bayan, mas mahigpit ang ginagawang inspeksyon ng BFP at ang pagbibigay ng mga paalala sa mga manininda at mamimili ng paputok.