BFP: 7 sugatan, P300M inisyal na danyos sa natupok na Manila Central Post Office

Umakyat pa sa pito ang bilang ng mga nasaktan mula sa natupok na Manila Central Post Office, habang nasa P300 million naman ang inisyal na danyos.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), na kabilang sa mga sugatan ay mga bombero na sina Fire Officer II Joel Libutan, Fire Officer I Carlo Abrenica, Senior Fire Officer II Julio Erlanda, Fire Officer II Jeremy Roque, at Fire Officer I Josaphat Araña.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Ang mga fire volunteer din na sina Toto Doslin at sibilyan na si Elain Dacoycoy ay nasaktan.

Naitala ang kanilang injuries sa first-degree burns, pamamaga at paninigas ng muscles, allergic reactions, posibleng fracture, o laceration, at iba pa.

Read More:  OVP proposes ₱785.204 million budget for 2027, 11.7% lower than 2026

Samantala, may dalawa ding structures na natupok ng apoy.

Sa kabilang dako, sinabi ni Philippine Postal Corporation (PHLPost) Postmaster General Luis Carlos, na tinitingnan nila ang indemnity para sa nasunog na parcels. //MHEL PACIA