BFAR iginiit na hindi sila huminto sa paglaban sa illegal fishing activities

CAMARINES NORTE – Iginiit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi ito huminto sa paglaban sa illegal fishing activities partikular ang danish-seine o mas kilala sa tawag na “buli-buli.”

Sa gitna ito ng mga ulat na marami na naman di umanong nag- ooperate na “buli-buli” partikular sa karagatang sakop ng Camarines Norte.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa panayam ng Brigada News FM Daet nilinaw ni Atty. Nilo Consuelo, Chief ng Fisheries Production Division ng BFAR-Bicol na hindi nagbigay ng leeway ang ahensiya sa mga nagbubuli- buli kahit noong panahon ng pandemya.

Kaya naman daw hindi sila nakapagsagawa ng mga panghuhuli noon ay dahil sa mga ipinatupad na restrictions.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Tiniyak din ng BFAR na patuloy itong makikipagtulungan sa mga Local Government Unit sa pag protekta ng municipal water. Malaki umano ang papel na ginagampanan ng mga LGU sa pag protekta sa kanilang municipal water dahil nandito ang maraming isda.