BFAR Bicol, may paalala sa publiko kaugnay ng insidente ng pagkakalason sa Libon, Albay dahil sa pagkain ng ‘butete’

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol na hindi talaga ligtas ang pagkain ng ‘butete’ pati na rin ang iba pang isda na kabilang sa family nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Wheng Briones ng nasabing tanggapan, sinabi niya na taglay nito ang nakamamatay na lason na tetrodotoxin na bumabara ng mga ugat at nagreresulta sa pagkakaparalisa ng kalamnan ng isang taong kumain nito.

Ayon pa kay Briones, sa loob lamang ng sampu hanggang tatlumpung minuto matapos kumain nito, makikita na agad ang sintomas.

Paalala nito sa publiko, huwag kakain ng ganitong uri ng isda o kaya’y marapat lamang na kumonsulta sakanila kung mayroong isda na bago sa kanilang paningin upang malaman kung ligtas itong kainin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *