‘Better Internet bill’, inihain sa Senado

Inihain ni Sen. Grace Poe ang “Better Internet” bill na naglalayong pagbutihin ang internet service at access sa buong bansa.

Paliwanag ni Poe dapat mapanatili ng mga service providers ang katanggap-tanggap na bilis ng internet para mapalakas ang koneksyon ng iba’t ibang sektor dito at matulungan ang mga tao.

Sa ilalim ng proposed bills, aatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga public telecommunications entities (PTEs) at ISPs na palawakin ang sakop ng kanilang serbisyo sa fixed and mobile internet sa lahat ng mga lugar na hindi pa naseserbisyuhan o mababa ang serbisyo sa loob ng tatlong taon mula maging epektibo ang batas.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Hinihikayat din ang PTEs at ISPs na magbigay ng mas mataas na internet speed at maghatid ng minimum standard ng bilis ng koneksyon sa kanilang mga subscriber.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Wala namang itatalagang minimum internet speed para sa libreng internet service.

Kung maisasabatas, bibigyan ang mga telco at ISPs ng tatlong taon para matiyak nilang hindi bababa sa minimum required download speed ang ihahatid nila sa kanilang mga end-user.
#