Beatrice, inirampa ang kaniyang Francis Libiran gown sa Miss Universe 2021 prelim

Rumampa ang Philippine bet na si Beatrice Luigi Gomez suot ang kaniyang red Francis Libiran couture sa long gown segment ng Miss Universe 2021 preliminaries na ginanap sa Eilat, Israel.

Lalo pang lumabas ang kaseksihan ni Gomez dahil sa mga cut-outs at high slit ng couture piece.

Ipinakilala naman ni Miss Universe 2021 prelimaries host Carson Kressley ang 26-anyos na kandidata bilang bahagi ng reserve force ng Philippine Navy.

Nabanggit rin sa long gown segment na passion ni Gomez ang youth empowerment sa pamamagitan ng pagtulong nito sa mga kabataan na nagkakaproblema sa batas.