Bea Alonzo, nilinaw na hindi pa sila engaged ni Dominic Roque

Nilinaw ni Bea Alonzo na hindi pa siya engaged sa kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Sa isang panayam, pinabulaanan ni Bea ang mga tsismis na malapit na siyang ikasal kay Dominic.

“Hindi pa po, hindi pa,” sabi ni Bea.

Read More:  IU and Lee Jong Suk confirm breakup

“Ano ‘yun, picture ‘yun nung nagpunta kami sa Amanpulo a few years ago. Si Dom kasi mahilig siyang mag-late post ng mga photos na akala ng mga tao, na-engage kami, hindi, hindi pa po,” dagdag pa niya.

Read More:  Will Ashley says he and Mika Salamanca have grown closer

Kumalat ang tsismis na engage na ang dalawa matapos ibahagi ni Dominic ang ilang larawan sa Instagram na kuga sa isa sa kanilang mga beach trip.

Maaalalalang kinumpirma nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon noong 2021.//CA