‘Yung kaibigan ninyo’
Ito ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga media nang matanong kung ano ang gusto niyang katangian ng susunod na Press Secretary.
Matatandaaang nagbitiw sa puwesto ang dating vlogger na si Trixie Cruz-Angeles dahil sa umano’y ‘health reasons’.
Sa isang chance interview matapos ang oath-taking ni Department of Informations and Communications Technology Sec. Ivan John Uy sa Palasyo, sinabi ni Marcos na mayroon nang tatlong pangalan na short-listed bilang susunod na tagapagsalita niya.
Hindi na muna nito binanggit kung sino ang tatlo, pero posible umanong sa susunod na linggo ay papangalanan na ito.
Ang hanap umanong katangian ni Marcos bilang susunod na Press Secretary ay isang journalist o media practitioner.
Sa ganitong paraan umano ay mas mapadadali ang pagpapakalat ng mensahe mula sa Palasyo.
‘Obviously, we need somebody expierienced. Probably a journalist, or is a media practitioner. ‘Yun naman ang kailangan, ‘ yung marunong mag-messaging, para ‘yung mga gusto naming palabasin, talagang lumalabas.’ wika ni Marcos sa interview ng Malacañang reporters.
‘That’s what’s important that we get the information, the messaging across.’ dagdag pa nito.
Mababatid na ilan sa mga matunog na pangalan na susunod na Press Secretary ay ang mga dating broadcast-journalist na sina Mike Toledo, Gilbert Remulla, at Transportation Undersecretary Cesar Chavez.
Si Toledo ay nakita nang kasama ni Marcos sa isang event sa Maynila kahapon.
Inalok din sa puwesto ang direktor na si Paul Soriano, kilalang Marcos supporter, at nag-direct ng kanyang campaign ads at unang State of the Nation Address (SONA).
#
RELATED STORIES:
Mike Toledo, bukas sa posibilidad na italagang susunod press secretary
Angeles, Calida, Rodriguez – um-exit na sa Gabinete
Rodriguez, kinumpirma ang ‘complete exit’ sa Marcos admin
Oath-taking ng mga reappointed Cabinet officials
15 appointed officials ni Pangulong Marcos binypass ng Commission on Appointment
